November 2, 2024

UTAK SA PAGPATAY SA PALAWAN LAWYER, SUMUKO

SUMUKO sa pulisya sa Palawan ang isa pang suspek sa pagpatay kay Palawan lawyer Eric Jay Magamit matapos maaresto nitong kamakailan lang ang isang pulis at wala pa nitong kasabwat na nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Si Mariano Quioyo na pinaniniwalaang utak sa pagpatay kay Magcamit ay sumuko sa Special Investigation Task Group (SITG ng Palawan Police dakong alas-3:00 ng hapon nitong Biyernes dahil nais niyang maprotektahan ng pulisya ang kanyang buhay,” ayon sa panibagong ulat mula sa Palawan provincial police office.

“He [Quioyo] said that he fears for his life thus he wants to be in protective custody of the police,” mababasa sa report.

Nasampahan na ng kaso ng pulisya si Quioyo sa pagpaslang kay Magcamit bago nito tuluyang isuko ang sarili. Kasalukuyang nasa kustodiya na siya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kasama siya sa siyam na mga indibidwal, kabilang si Police Senior Master Sergeant Ariel Pareja, na kinasuhan dahil sa pagpatay.

Lumalabas sa imbestigasyon na sangkot si Quioyo sa isang court case na may kinalaman sa agawan sa lupa kung saan tumatayong legal counsel ng kabilang partido si Magcamit.