Pinaralisa ng Utah Jazz ang Indiana Pacers, 103-95 sa isa sa mga laro sa NBA games ngayong araw. Naglista si Donovan Mitchell ng 27 points at 11 assists. Nag-ambag naman si Rudy Gobert ng 16 boards.
Gumawa naman si Domantas Sabonis ng 20 points para sa Pacers. Samantala, natinik naman ang Los Angeles Clippers sa Sacramento Kings, 113-110.
Kumamada si De’ Aaron Fox ng 36 points at 7 assists. Nag-ambag naman si Harrison Barnes ng 12 boards.Sa Clippers naman, bumuslo ng 23 points at 5 assists si Lou Williams.
Sa ipa pang laro, tinusta ng Miami Heat ang New York Knicks, 109-103. Bumira ng 24 points at 11 boards si Bam Adebayo.
Kumana naman ng 26 points at 7 boards si Julius Randle sa Knicks.
Narito ang iba pang resulta sa laro ngayong araw.
Wizards – 97 Hornets – 119
Beal: 31 Pts. Westbrook: 9 Asts. Westbrook: 11 Rebs./Rozier: 26 Pts. Ball: 5 Asts.
Celtics – 91 Suns – 100
Tatum: 23 Pts. Tatum: 7 Asts. Thompson: 12 Rebs./Bridges: 19 Pts.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT