
Kinatay ng Utah Jazz ang Memphis Grizzlies sa iskor na 121-111 sa Game 3 NBA playoffs West Round 1. Naging susi sa panalo ng Jazz ang 56 points combined nina Mike Conley at Donovan Mitchell.
Dahil dito, lamang na sa series ang Utah sa 2-1
Nagtala si Conley ng 27 points, 6 boards at 7 assists. Gumawa naman si Mitchell ng 29 points, 2 boards at 5 assists.
Nag-ambag naman si Rudy Gobert ng 15 points, 14 boards at 4 blocks. Si Bojan Bogdanovic naman ay kumamada ng 15 points at 6 rebounds.
Sa panig naman ng Memphis, nanguna si Jah Morant ng 28 points, 3 boards at 7 assists. Si Dillion Brooks naman ay nagtala ng 27 points, 3 boards, 2 assists at 2 steals.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo