December 25, 2024

UT NG PFIZER COVID-19 VACCINES, SINUMULAN NA SA NAVOTAS

Nakatanggap si Reygalicano Nepomuceno, 64, ng unang dose ng Pfizer-BioNTech vaccine sa Navotas City Hospital. Kabilang si Nepomuceno sa 152 Navoteños na nag-signed up sa http://covax.navotas.gov.ph, at pinili ang nasabing bakuna saka itinakda ang iskedyul ng pagbabakuna. (JUVY LUCERO)


SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ang inoculation sa mga rehistradong residente at mga manggagawa sa ilalim ng A2 at A3 priority group ng Pfizer-BioNTech Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccines.

Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,170 vials, bawat isa ay naglalaman ng anim na doses, mula sa unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines na mula sa national government.

“To ensure we can provide the logistical requirements of these vaccines, the city government put up a cold room in Navotas Polytechnic College and procured a bio-refrigerator, single insulation transport cooler, and two ultra-low temperature freezers than can reach -86℃,” ani Mayor Toby Tiangco.

“The Pfizer-BioNTech vaccine allocation was given only after the national vaccination committee was assured that we are equipped to properly handle its storage and administration. Every is important and we are one with them in ensuring that none will be spoiled and wasted,” dagdag niya.

Naunang kumuha ang city government ng isang bio-refrigerator, single insulation transport cooler, at dalawang ultra-low temperature freezers than can reach -86℃.

Ginamit ang refrigerator upang ligtas na mapanatili ang mga diluents ng bakuna, habang ang mga freezer ay maaaring mag-imbak ng 23,400 hanggang 35,100 na mga vial ng sensitibo at sobrang lamig na mga bakuna na nakasalalay sa temperature.

Noong Mayo 16, 16,742 mga residente at manggagawa ng Navotas ang nakatanggap ng kanilang unang jabs, habang 3,715 indibidwal ang ganap na ang kanilang dalawang dosis ng bakuna. Sa bilang na ito, 793 ang mga frontliner, 939 mga senior citizen, at 1,983 mga taong may comorbidities. (JUVY LUCERO)