Nilapa pa ng UST Golden Tigresses ang FEU Lady Tamaraws sa 3 sets sa opening ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament. Hindi pinaporma ng UST ang FEU, 25-23, 25-20, 25-21 sa laro na idinaos sa SM MOA Arena.
Bumida sa panalo ng Golden Tigresses si Eya Laure na sumagpang ng 14 points. Kung saan, 13 rito ay mula sa attacks. Kasama rin dito ang 9 digs. Nag-ambag naman si Cams Victoria ng 11 attacks mula sa 12 points.
“Medyo shaky yung performance namin though nanalo naman. Pero yun nga, masyadong marami yung unforced errors namin na kailangan namin i-correct pero luckily nanalo nga kami ng straight sets,” ani UST head coach Kungfu Reyes.
“Kasi nga yung every error na nagagawa naman ng player is narerecover naman nila pero medyo mahaba yung balik ni FEU, almost six points yung nakuha sa amin so hindi kami nakabalik agad,” aniya.
“Hopefully by next game maging mas consistent na yung trabaho ng mga players para bukas naman go back to the drawing board lang kami para i-polish yung mga dapat i-polish at i-correct yung mga lapses namin,” dagdag nito.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!