Inilatag na ng USA Basketball team ang 12-man roster na lalaro para sa Tokyo Olympics. Ito’y kinabibilangan nina Kevin Durant at James Harden ng Brooklyn Nets.
Kasama rin si Jatson Tatum (Celtics), Damian Lillard (Portland), Bradley Beal ( Wizards). Gayundin sina Devin Booker ng Phoenix, Zach Lavine ng Bulls, Kevin Love ng Cavaliers.
Sabit din sina Bam Adebayo ng Heat, Draymond Green ng Warriors. Panghuli sina Jerami Grant ng Pistons at Khris Middleton ng Bucks.
Sa kanilang pagsalang sa olympics, makakatapat ng USA ang France sa July 25. Pero, bago nito, sasabak muna sila sa training sa Las Vegas sa July 4. Pagkatapos ay lalaro sa tune-up games laban sa Australia, Spain, Argentina at Nigeria.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na