MAHIGPIT na pinayuhan ng United States ang mga mamamayan nito na iwasan muna ang Pilipinas dahil sa “high level” na sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Inilabas ng US Department of State ang Level 4: Do Not Travel restriction alinsunod sa abiso ng Centers of Disease Control and Prevention.
Kasama sa updated Level 4 list ang 100 iba pang bansa. Dati ay mayroon lamang tatlong dosenang mga bansa sa Do Not Travel alert ng departamento – ang pinakamataas na travel advisory levels.
Ayon sa US CDC, dapat iwasan ng publiko – maging ito man ay nabakunahan na – na mag-travel sa Pilipinas dahil sa paglala ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Bukod pa anila ang pagtaas ng krimen, terorismo, civil unrest at kidnapping.
Sinabi nito na kahit nakatanggap na naturukan na ay maaring nasa peligro na makakuha at kumalat ang COVID-19 variants.
Kung hindi maiiwasan na magtungo sa Pilipinas, hinimok ang mga biyahero na kompletuhin ang kanilang vaccine shots. Dapat magsuot ng mask, ugaliin ang physical distancing at sumunod sa minimum health protocols.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS