Nakarating na sa bansa si US Vice President Kamala Harris matapos dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation economic leaders meeting sa Bangkok, Thailand.
Lumapag ang sinakyang eropolano ni Harris sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas-6:52 ng gabi para sa kanyang three-day visit sa bansa.
Ayon sa US Embassy, winelcome daw ang US official ng US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, US Embassy Philippines Deputy Chief of Mission Heather Variava, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Congressman Antonio Calixto at Spokesperson of the Vice President Reynold Munsayac.
Nakatakda namang makipagpulong si Harris kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte bukas November 21.
Sa Nobyembre 22 ay nakatakda naman itong bumisita sa Palawan, isa sa mga isla ng Pilipinas na pinakamalapit sa West Philippine Sea.
Si Harris ay ang highest-ranking American official na bibisita sa lugar na katabi ng Spratly Islands.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA