Nailigtas si US artistic swimmer Anita Alvarez sa nakaambang panganib sa pool. Nawalan ng malay ang swimmer habang nasa torneo ng world aquatic championships sa Budapest. Sinagip naman siya ng kanyang coach na si Andrea Fuentes.
Tumalon sa pool ang Spanish mentor at 4-time Olympic medalist para i-rescue ang kanyang student. Nangyari ito nang makita niyang lumubog sa pool si Alvarez sa solo free final routine.
Dahil dito, nag-alala na ang coach sa synchoronized swimming. Kaya naman, nasagip sa pagkalunod si Fuentes. Ang nasabing insidente ay pangalawang beses nang nangyari.
Ang kagayang senaryo ay unang nangyari sa Olympic qualification event noong 2021. Pati ang partner nitong si Lindi Schoeder ay nahila rin paahon sa pool.
“Anita is much better, she is already at her best. It was a good scare, to be honest,” ani Fuentes sa Spanish newspaper Marca on Wednesday.
“I jumped into the water again because I saw that no one, no lifeguard, was jumping in. I got a little scared because she wasn’t breathing, but now she’s fine. She has to rest,’ dagdag nito.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!