Hindi matutuloy ang nakatakdang opening pitch ni US President Donald Trump sa laro ng Newy York Yankees sa Agosto 15.
Inanunsiyo ni Trump ang pag-atras niya sa paghagis ng bola sa opening game ng Yankees sa kanyang Twitter account.
Ayon kay Trump, tutok siya ngayon sa China Virus ( Coronavirus) at may nakatakda siyang meetings kaugnay sa bakuna rito.
“Because of my strong focus on the China Virus, including scheduled meetings on Vaccines, our economy and much else. I won’t be able to be in New York to throw out the opening pitch for the @Yankees on August 15th,” tweet ni Trump.
“We will make it later in the season!” aniya.
Kung maalala, inimbitahan ni Yankeed president Randy Levine na maging bahagi ng seremonya ng paghagis ng bola. Gagawin sana ito ni Trump sa home game ng Yankees kontra Boston Red Sox ng Major League Baseball (MLB).
Ayon kay Levine, ang seremonya ng first pitch ay bilang pagbibigay ng karangalan sa US president. Kaugnay dito, inimbitahan din MLB ang major fan na si Fauci na siyang papalit kay Trump sa pagsasagawa ng opening pitch.
Naging sikat si Fauci nitong panahon ng pandemya. Kilala ito bilang boses ngayon ng nasyon patungkol sa public health. Gayundin sa paglaban sa Coronavirus crisis.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo