
Nagsagawa ng emergency landing ang isang US Navy Aircraft matapos na magkaroon ng minor engine problem ang nasabing eroplano kahapon ng tanghali sa Balesin Island ng Polilio, Quezon.
Ayon sa report, galing ng Subic Airport ang naturang eroplano na may lulan na apat na sundalong Amerikano.
Nabatid na bandang alas-5:30 ng hapon ay naglanding din ang dalawa pang US Navy Aircraft para tignan ang kondisyon sa makina ng kasamahang eroplano na agad naman ini-report kay Barangay Chairman Robert Rivas at mga awtoridad para imbestigahan ang pangyayari.
Ayon naman kay Quezon Police Provincial Director Police Colonel Ruben Lacuesta, na hanggang ngayon araw ng Linggo ay naroon pa ang tatlong eroplano at masusing iniinspeksyon ng kanilang mga aircraft mechanics at technician ang vibration na nagmumula umano sa makina ng eroplano. (KOI HIPOLITO)
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF