December 27, 2024

US NAGBABALA NA SA CHINA (Kaugnay sa agresibong hakbang sa Pilipinas, Taiwan)


Binalaan ng Estados Unidos ang China laban sa nakikita ng Pilipinas at Taiwan na agresibong hakbang sa South China Sea at West Philippine Sea.

Ayon kay State Department spokesman Ned Price, ang armed attack ng China kontra armed forces ng Pilipinas, mga public vessels, o anumang aircraft sa Pacific, kabilang na ang South China Sea, ay magti-trigger sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng US-Philippines Mutual Defense Treaty.

Batid aniya ng Estados Unidos ang pangamba ng Pilipinas hinggil sa hindi nawawalang presensya ng maritime militia ng People’s Republic of China malapit sa Whitsun Reef o sa Julian Felipe Reef.

Marso 7 nang namataan ang mahigit 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef, nasa 200 miles west ng Palawan Islands.

Pero ang China, na nagsasabing sila ang may-ari ng lugar, ay tumangging umalis sa area kahit pa makailang ulit nang umapela ang Pilipinas patungkol dito.

Maging ang Taiwan ay nagrereklamo na rin sa ngayon sapagkat mahigit 15 eroplano naman ng China ang dumaan-daan sa air defense zone nila kamakailan.