Inihayag ni President Xi Jinping na ang United States at China ay magkakaroon ng pagsulong sa ilang mga isyu matapos ang pakikipagpulong nito kay US Secretary of State Antony Blinken sa Beijing.
Magugunitang si Blinken lamang ang mataas na opisyal ng US na nakatunton muli sa China matapos ang limang taon.
Nakipagpulong si Xi, na isang most powerful leader sa China sa loob ng ilang dekada, kay Blinken sa Great Hall of the People dakong alas-4:30 ng hapon (0839 GMT), ayon sa Chinese state media at US officials.
“The Chinese side has made our position clear and the two sides have agreed to follow through the common understandings President Biden and I had reached in Bali,” saad ni Xi sa top US diplomat.
“Two sides have also made progress and reached agreement on some specific issues”, dagdag niya.
“I hope that Secretary Blinken, through this visit, can make positive contributions to stabilising China-US relations,” dagdag niya.
Tumagal ng mahigit sa kalahating oras ang pagpupulong makaraan ang 10 oras na pakikipag-usap sa loob ng dalawang araw sa iba pang opisyales ng China.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA