
Namayagpag ang Uratex Tibay sa Pool A at Uratex Dream sa Pool B sa kanilang laro sa Day 1 ng WNBL 3X3 first leg. Ang naturang torneo ay idinaraos sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Dinomina ng Tibay team ang QWBT, 22-3 at JJD Basketball, 21-7. Kasama rin sa naging biktima nila ang Dreamers, 11-9. Dahil dito, abanse sila sa first semis sa level 3 ng FIBA 3X3 tournament.
Binabandera ang Tibay team nina Ford Grajales, Sam Harada, Kat Quimpo at Eunique Chan. Ang Dream squad naman ay kinabibilangan nina Alyssa Villamor, Tina Deacon, Shanda Anies at Kaye Pingol.
Tinalo nila ang Amazing sa iskor na 7-6. Gayundin ang Jiaguel sa iskor na 20-8 at naitala ang 2-0 sa Pool B.Ang semifinals at finals ng torneo at isaraos bukas.
More Stories
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt