Mahigpit umanong ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang pinakahuling direktiba ng Inter Agency Task Force (IATF) kaugnay ng mga bansang muling inilagay sa Red List.
Ayon kay Commissioner Jaime Morente, kabilang ngayon sa mga bansang nasa Red List ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy.
Epektibo na ito kahapon pa hanggang sa Disyembre 15.
Lahat daw ng mga gustong umuwi sa Pilipinas ay hindi na papapasukin kapag sila ay nanggaling sa naturang mga bansa sa loob ng 14 days bago ang kanilang biyahe.
Dahil naman sa naturang direktiba, sinabi ni Morente na ang lahat ng mga Pinoy na galing sa ibang bansang babalik sa Pilipinas sa pamamagitan ng government at non-government repatriation at Bayanihan flights ay magiging subject sa mga health protocols na itinakda ng Bureau of Quarantine (BoQ).
Dadaan din sa protocols ang mga papasok sa bansa na galing sa Red List na dumating sa bansa bago ang Nobyembre 30 kapag sila ay bahagi ng pinapayagang classes.
Dagdag ni Morente, sa parehong resolusyon ay suspendido na rin ang pagbubukas ng bansa sa mga borders para sa foreign tourists.
Pinaalalahanan naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong ang mga airline companies na busisihing mabuti ang mga dokumento ng mga travelers bago sila sumakay sa eroplano.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA