HINIKAYAT ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang ahensiya ng gobyerno na nais palawigin ang pagtulong sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pamamagitan ng paglalaan ng pangkabuhayan para sa ating mga modernong bayani na napauwi dahil sa COVID-19 pandemic.
Inilabas ni Dela Rosa ang panawagan sa isang virtual Joint Committee Hearing sa committees on Labor, Employment and Human Resources Development; Trade, Commerce and Entrepreneurship; Economic Affairs; Ways and Means; Foreign Relations; Banks, Financial Institution and Currencies; and Finance noong nakaraang Martes, Agosto 25, 2020.
Nabanggit ni Dela Rosa na ang isa sa mga pinakamagagawa na paraan upang kumita sa oras na ito, kung saan ang iba’t ibang mga antas ng community quarantine ay ipinapatupad ng gobyerno, ay sa pamamagitan ng motorcycle delivery service.
Sa nangyayaring pandemya ay lumakas ang motorcycle delivery at courier businesses dahil karamihan sa mga tao ay nananatili lamang sa kanilang bahay sa takot na mahawaan ng virus kaya umaasa lamang sila sa food at supplies delivery sa pang-araw-araw na pamumuhay.
“Masaya kasi ako nung sinabi mo (OWWA Administrator Cacdac) na aabot ng P100,000 pataas yung ibibigay ninyo…Marami akong nakausap na mga repatriated na mga OFWs na sabi nila, ‘Sir baka mabigyan lang kami ng assistance pangbili ng motorsiklo dahil nga ngayon ang pinaka-in demand na hanap-buhay yun mga Lalamove, mga Food Panda,’ gusto nilang sumali sa mga ganoon sana. Ang halaga kasi ng motorsiklo ngayon is P100,000 to P120,000 o P150,000 kaya masaya ako kung mabigyan natin yung mga OFWs natin diyan, para makabili sila ng motor,” wika ni Dela Rosa.
Sa pagdinig, ibinunyag ni Overseas Workers Welfare Administration Hans Leo Cacdag, na ang tulong na ibibigay sa mga OFW ay sa pamamagitan ng mga pagkakapangkat-pangkat upang matiyak ang tagumpay ng kanilang napiling negosyo.
“Ako ha, if I have my own way, mag-suggest ako sa inyo na baka pwedeng hanap rin kayo ng paraan na makabigay kayo ng individual (financial assistance). Kahit na ang hingin na lang ninyong requirement yung drivers’ license lang kung pwede ba talaga siyang mag-drive ng motor, sigurado ba talaga siyang bibili ng motor para pang-delivery. Kahit na yun lang siguro, ako suggestion ko lang. Ang isang tao kahit na P100,000 to P120,000 makakabili na yan ng motor, yan ang pinaka-in demand ngayon na trabaho eh kumikita talaga sila sa delivery ngayon,” paliwanag ni Dela Rosa.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO