December 25, 2024

“UNSAFE DRIVE”, DAHILAN NG CAR ACCIDENT NI TIGER WOODS AYON SA LA SHERIFF

Hindi maayos na pagda-drive ang dahilan ng aksidente ni Tiger Woods ayon sa Los Angeles County sheriff. Anila, nagmamaneho ang golfer ng unsafe speed sa bilis na 87 miles (140 km) ang SUV nito.  

Doble ito sa safe speed na 45 miles per hour. Kung kaya, nahulog ang sasakyan nito sa isang di kalalimang bangin sa Ranchos Palos Verdes.

Nagtamo ng injury sa kanang paa ang 15-time major champion dahil sa aksidente.

 “The primary causal factor for this traffic collision was driving at a speed unsafe for the road conditions and the inability to negotiate the curve of the roadway,” saad Alex Villanueva.

 “There were “no signs of impairment,” or evidence of any “distracted driving,” and Woods voluntarily allowed the results of the investigation to be made public,” anila.

Isa pang rason, malamang na natapakan ng 45-anyos na si Woods ang gas sa halip na brakes bago nawaan ng preno. Ito ang sabi ni Captain James Powers.

Sa kabila nang nangyari, hindi sasampahan ng criminal charges ang isa sa sikat na golfer sa mundo.