Tinatayang may seven days hanggang ten days na unpaid holiday pay ang pinapabayaran ng Department of Labor and Employment sa mga employers who deferred the payment due to COVID19 pandemic national emergency.
Kailangan bayaran na ang mga ito ng mga employers on or before December 31, 2020 na hindi nagbayad simula noong April hanggang November 30 this year.
Naglabas kasi ng labor advisory ang DOLE noong mga nakaraang buwan na maaring ipagliban ang pagbayad ng holiday pay dahil hirap ang revenue ng mga kumpanya dahil may krisis.
Ilan sa mga holiday pay simula noong April ay ang holiday noong naturang buwan, Labor day, Feast of Ramadan, Independence day, Feast of Sacrifice, Bonifacio day at iba pa.
Malaking bagay sa mga manggagawa ang mabayaran sila ng mga unpaid holiday paymenta na ito. Makakatulong ito sa kanila ngayong pasko at bagong taon.
Kapag hindi mabayaran ng mga employers ang mga ito pagkatapos ng December 31 this year, magiging basehan na ito ng formal labor case o hindi pagbabayad ng sweldo–ang pinakamalaking kasalanan ng mga employer sa kanilang mga manggagawa.
Kapag nagkakasuhan dahil sa hindi pagbabayad ng sweldo baka mas malaki pa ang babayaran ng mga employers. Kaya dapat bayaran na hanggang maaga pa. ###
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA