Umatras ang Unlimited Athletics Club (UAC) sa nakatakdang pagpalo ng Premier Volleyball League. Ipinaalam ito ng officials ng team sa liga bago magsimula ang first conference sa July.
Dahil dito, ang 12 teams na magtatapat sa torneo ay natapyas sa 11 teams.
Ang nasabing torneo ay isasagawa sa Laoag, Ilocos Norte. Kinumpirma naman ito ni PVL tournament director Tony Boy Liao. Gayunman, nangako ang UAC na lalahok sila sa next conference o season.
“Yes, they are on leave,”ani Liao.
“Sad to say yes [we were withdrawing for the Open Conference] but we will be back next conference,” saad ni Marvin Go ng UAC.
Unang sumalang ang UAC sa PVL nitong Pebrero bilang team na Peak Form. Kalauna’y naging UAC Power Hitters ito. Kabilang sa kanilang players ay si Mela Tunay at Chloe Cortez bilang spikers. Si Edgar Barroga naman ang head coach.
Kabilang din sa volleybelles ng UAC sina Judith Abil, Angeli Araneta, Jessma Ramos. Gayundin sina Coleen Bravo, Dim Pacres, Angelica Legacion at Bia General.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2