
Natagpuan sa ibat ibang lugar sa karagatan ng Pilipinas, partikular sa Bicol Region ang underwater drones.
Base sa Philippine Navy, may 55-85% na posibilidad na gawang Tsina ang mga nasabing underwater drones na nadiskubre sa bahagi ng Pilipinas noong 2024.
Ayon ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, spokesperson ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, na may Chinese markings ang ilan sa mga drones.
Ayon kay Trinidad, may mga posibleng epekto ito sa seguridad, dahil maaaring gamitin ang mga drones upang pag-aralan ang ilalim ng dagat. Dagdag pa niya, ang mga drones ay may kakayahang mag-transmit ng data gamit ang satellite communication, na maaaring magbigay ng mahalagang impormasyon sa mga posibleng kalaban. (BG)
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!