Nagpamalas ng fighting heart si unrated chess whiz King Whisley Puso sa isang chess event.
Dinomina nito ang Under-12 division ng Asian qualifying stage ng FIDE World Cadets. Gayundin ang Youth Rapid Chess Championship.
Tinalo ni Puso si Batsukh Anand ng Mongolia sa seventh at final round ng torneo. Nagtapos si Puso sa first place. Katabla nito si Xiao Tong ng China (QD) na may tig 6 points sa limang laro.
Ngunit, mas umangat ang tubong Sta.Rosa, Laguna sa higher tiebreak, 31-28. Dahilan upang hablutin ang titulo.
Ang pagkapanalo ni Puso ay markado dahil isa siyang underdog. Katunayan, isa siya sa 2 sa 37 kalahok sa kanyang age class na walang FIDE rating.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT