January 23, 2025

UNCONSOLIDATED NA MGA JEEPNEY, SENTENSIYADO NA SA MAYO 1

Binabagtas ng tradisyunal na jeep ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Diliman, Quezon City. (Kuha ni ART TORRES)

MAITUTURING nang colorum ang mga jeepney na mamamasada simula sa Mayo 1 na hindi kasama sa mga nagpa-consolidate para sa PUV modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay Land transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, magsisimula na silang manghuli ng mga jeepney na walang consolidation paper sa May 1.

Pagtitiyak naman ni Guadiz, dadaan pa rin ito sa due process dahil bibigyan sila ng pagkakataon na makapag paliwanag sa pamamagitan ng pag-issue ng show cause order.

At kapag hindi katanggap-tanggap ang kanilang paliwanag ay saka lang ite-terminate ang kanilang prangkisa.

Una nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi na nito palalawigin ang consolidation para sa PUV Modernization program, na nakatakdang magtapos sa April 30.