WASHINGTON (AFP) – Nasungkit ni American tennis player Jennifer Brady ang kanyang unang WTA title. Dinaig ni Brady si Swiss left-hander Jil Teichmann, 6-3, 6-4, sa Top Seed Open final.
Impresibo rin si Brady sa buong laro ng torneo. Kung saan, wala itong pinatalong set. Kaya naman, nakuha nito ang title sa US Open tune-up event.
Wala namang spectators ang nanood sa laro na idinaos sa Lexington, Kentucky.
“The sky is the limit so let’s keep going,” ani Brady .
“There’s nothing better than playing at home in America, especially to win the title on home soil is a great achievement and something I’m going to be very happy about.”
Ang torneo ay ikinasa sa gitna ng COVID-19 rescheduling issues. Ito rin ang unang WTA event sa US, sapol nang ipagpaliban ang season.
”Great battle as always.”
”Hopefully we’ll have many more in the future,”saad ni Teichmann.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2