November 5, 2024

Unang babaeng Defense chief? TOP DND POST, TARGET NI SARA – MARCOS

Nais ni Davao City Mayor Sara Duterte na pamunuan ang Department of National Defense (DND) sakaling manalo bilang vice president.

Ito ang ibinunyag ni presidential aspirant Ferdinand Marcos sa panayam kasama ang blogger na si RJ Nieto, o kilala bilang Thinking Pinoy.

Nagulat si Marcos sa napiling puwesto ni Sara sa Gabinete.

“I understand everybody’s a little surprised because we expected mag-DSWD [or] DILG siya,” ayon sa dating senador. Ang presidential daughter ay isang Philippine Army reservist na may ranggong koronel.

Ayon kay Marcos, nabanggit ni Sara ang problema sa insurgency sa Davao bilang dahilan ng kanyang interes na pamunuan ang DND.

“Sinabi ko, ‘Bakit DND?’ Sabi niya kasi in Davao, the security problem, the terrorism problem, na-solve na namin yung iba. Meron siyang mga solutions diyan,” sambit ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na naniniwala siyang ang kanyang running mate ay magiging “magandang karagdagan” sa Gabinete bilang unang babaeng Defense chief sa bansa.

“She will bring a new aspect to the job. And because I said it cannot be business as usual, I’m sure some of her new ideas will be of advantage to us,” saad niya.