December 24, 2024

Umula’t bumagyo… LIBRENG COVID-19 DRIVE-THRU TESTING SA QUIRINO, DINUMOG

SA kabila ng sama ng panahon, ilang daang indibidwal ang nagpalipas ng magdamag sa loob ng kanilang sasakyan at sa mga tent habang nakapila sa libreng COVID-19 drive-thru testing sa Quirino Grandstand sa Maynila  kaninang madaling araw.

Dakong alas-7:30 kagabi nagtiyaga ng pumila ang karamihan sa kanila kahit alam nila na alas-8:00 pa ng umaga ngayong araw ang umpisa ng testing.

Mula Hulyo 23, 2020, nakapagtala ang Health Department ng kabuuang 4,132 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.