November 2, 2024

‘UMULAN NG DUGO! ANG ‘BLOOD RAIN’ PHENOMENON SA KERALA, INDIA

Noong July 25 hanggang September 23, 2001, nagulantang ang mga residente sa Kerala, India sa distrito ng Kottayam at Idukki sa kakatwang pag-uulan sa mga panahong dry season o summer sa kanilang bansa. Papaano ba naman kasi, sinong hindi masisindak kung ang ulang pumapatak sa lupa at sa bubong ng bahay nila ‘e hindi karaniwan!


Kung kaya, sinasabi ng karamihan doon na “umulan ng dugo”. Kung kaya, tinawag nila itong ‘blood rain” o ‘red rain’. Ang mga damit na nabasa ng kakatwang kulay ng tubig-ulan ay nagkamantsa ng kulay pink. Bukod sa kulay dugong tubig-ulan, napaulat din na pumatak doon ang kulay dilaw, berde at itim. Kung gayun, bakit nangyayari ang gayung uri ng kulay ng ulan?


Batay sa datus na nakatala sa kasaysayan, napaulat na nagkaroon din ng ‘blood rain’ sa Kerala noong taong 1818, 1846, 1872, 1880, 1896 at 1950. Hindi lamang iyon, napaulat din na panaka-nakang nangyari rin ito noong taong 2006, 2007, 2008.

Noong June 2012 at November 15, hanggang December 27, 2012, nakaranas din ang mga residente sa eastern at northern-central province sa bansang Sri Lanka ng pagpatak ng blood rain.

Kung kaya, nagsagawa ng ilang pag-aaral kung bakit nagkakaroon ng blood rain. Batay sa isinagawang light-microscopy examination noong 2001, hinihinalang ang phenomena na ito ay sanhi ng hypothetical meteor burst.

Gayunman, batay sa pag-aaral na isinagawa ng gobyerno ng India, pinahayag nila na ang pagkakaroon ng kulay pulang tubig-ulan ay sanhi ng airborne spores mula sa prolific terrestrial green alga sa genus o isang uri ng punongkaoy na tinatawag na ‘Trentepohlia’. Bilang katunayan anila, maraming gayung uri ng punongkahoy sa pinangyarihan ng blood rain.


Batay naman sa pag-aaral na isinagawa ng mga physicist na sina Prof Godfrey Louis at Santhosh Kumar ng Mahatma Gandhi University, gumamit ang kinauukulan ng Kerala ng energy dispersive X-ray spectroscopy analysisng red solid at ipinakita na ang particles ay napapalooban ng halos carbon at oxygen, kung saan nakitaan din ng ilang amounts ng silicon at iron. Isang CHN analyser ang nagpakita ng datus na ang tubig-ulan ay nagtataglay ng 43.03% carbon, 4.43% hydrogen at 1.84% nitrogen.


Noong taong 2006, naglathala sina Kumar at Louis ng thesis sa ‘Astrophysics and Space Science na pinamagatang ‘The Red Rain Phenomenon in Kerala and it’s possible extraterrestrial origin?’; na rito’y iginiit nila ang kanilang argumento at paliwanag na ang red rain ay isan biological matter mula sa extraterrestrial source.


In-obserbahan din ng team sa Red Rectangle Nebula at iba pang galactic at extragalactic dust clouds, na iminumumgkahi na kung saan ay hindi napatunayan na may extraterrestrial origin. Isa sa kanilang mga konklusyon na kung ang red rain particles ay isang biological cells at cometary origin, ang nasabing phenomena ay isang kaso ng ‘Panspermia’ o ang ulan ay sanhi ng space dust, meteoroids, asteroids, comets, planetoids at spacecraft.

Noong Agosto 2008, muling inulit ng dalawa ang pagpresenta sa nasabing thesis na red rain ay posibleng ebidensia ng extraterrestrial life form. Naipalabas ang dokumento tungkol dito sa ilang sikat na major news agenvies gaya ng CNN nang walang sinoman ang pumuna o naging kritiko.

Noong Setyembre 2010, may gayung uri din ng thesis ang iprinisenta sa isang conference na idinaos sa California sa Estados Unidos.