Kabilang sa pumasa sa Bar examinations ngayong taon ang umano’y mastermind ng pawnshop robbery sa Cebu City noong nakaraang buwan.
Inaresto ng mga operatiba ng Cebu City Police Office si Jigger Geverola, isang dating political detainee, noong Nobyembre 28 matapos inguso ng mga naarestong suspek sa panloloob sa Oro Sugbo pawnshop. Isa sa kanila ay ang pamangkin ng umano’y mastermind.
Inamin nila na si Geverola ang nag-utos sa kanila na dalhin ang getaway vehicle sa bulubundiking lugar sa bayan ng Argao, pero hinarang sila ng pulisya na nagresulta sa kanilang pagkaaresto.
Ilang beses itinanggi ni Geverola ang naturang alegasyon. Sinabi niya masyado siyang abala para sa Bar exams.
“Based sa nahitabo nako karon, murag ang purpose gyud sa Ginoo nga pahinumduman ko sa akong gisaad nga kung makapasar ko, akong gamiton sa pagpangalagad ngadto sa Ginoo ug sa katong mga nagkinahanglan,” ayon kay Geverola.
[Translation: Based on what happened to me now, maybe God wants to remind me to fulfill my promise if I pass the Bar exams, that is to serve Him and to serve those who are in need.]
“Una nakong cliente ang kauban nako diri sa selda karon nga 41 ka buok. Pro bono,” dagdag ni Geverola.
[Translation: My first clients would be my 41 cellmates here. Pro bono.]
Ayon kay Police Lt. Col Janet Rafter, nasampahan na ng kaso para sa “robbery in band” laban kay Geverola sa Prosecutor’s Office noong Disyembre 1 kasama ang iba pang suspek.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY