
BINARIL habang nangangampanya si Kerwin Espinosa, ang kontrobersiyal na mayoral candidate sa Albuera, Leyte at umano’y dating drug lord.
Naganap ang pamamaril pasado alas-4:00 ng hapon sa covered court sa Barangay Tinag-an, Albuera, kung saan si Espinosa at kanyang slate ay nangangampanya.
Isinugod si Espinosa sa hospital sa Ormoc matapos magtamo ng tama ng bala sa dibdib.
Kasalukuyang inoobserbahan si Espinosa dahil nabaril ito malapit sa kanyang baga.
Napag-alaman din na isang dalagita ang tinamaan ng ligaw na bala sa nangyaring pamamaril. Dinala siya sa hiwalay na medical facility.
Malapitan ang pagbaril ng gunman kay Espinosa, sa harap mismo ng mayoral candidate.
Bagama’t may security si Espinosa pero sinabihan nito ang kanyang mga bodyguard na dumistansiya, na sinamantala naman ng salarin para isakatuparan ang kanyang masamang plano laban kay Espinosa.
Patuloy na tinutugis ng pulisya ang gunman na bumaril kay Espinosa.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO