November 24, 2024

UMABOT NA SA 3.8 MILYON MGA TANIM NA PUNO NG SMC (Mga Dumagat tumulong sa tree-planting sa Angat Bulacan)

Makikita sa mga larawan ang tree planting activities ng San Miguel Corporation sa mga lalawigan ng Bulacan, Albay, at Quezon.  

Umaabot na sa 3.8 milyon sa simula noong taong 2019 a naitanim ng San Miguel Corporation sa buong bansa habang tumulong na rin ang mga Dumagat sa pagtatanim ng 26,000 na puno sa Angat, Bulacan noon nakaraang buwan. 

Ang inisyatibong ito ng San Miguel ay upang makatulong sa rehabilitasyon ng nga kagubatan, carbon capture, pagbabawas ng pagguho ng lupa na isa sa dahilan ng pagbaha sa mga mababang lugar. 

Ayon kay SMC president at CEO Ramon S. Ang ay nakipagtulungan ang SMC Global Power Holdings (SMCGP) sa mga Dumagats sa Bulacan para tamnan ang 16 sa 55 ektarya ng dipterocarp tree species tulad ng White at Red Lauan, Palosapis, Apitong, Yakal, Guijo, at indigenous species tulad ng Bignai and Narra. 

Ang Project 747 ng SMCGP  ay may layon na magtanim ng pitong milyong puno sa 4,000 ektarya ng lupa sa pitong probinsya sa buong bansa. 

“We thank the members of the indigenous community in Bulacan, the Dumagats, for helping the company plant 26,656 trees on 16 hectares in just two weeks last December. Being residents in the area, their local knowledge and insights are very valuable to our program, from the choice of the ideal tree species, to identifying the upland areas where these trees should be planted to ensure their growth to adulthood,” wika ni Ang. 

Maliban sa proyekto ng SMCGP ay abala rin ang ibang kumpanya ng San Miguel sa kanya-kanyang tree-planting initiatives. 

Sa Bulacan ay aabot na 54,056 ang mga puno at bakawan na naitanim sa Bulacan simula noong 2019. Kasama ito sa flood mitigation strategy ng kumpanya na linisin ang Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS) at iba pang mga ilog sa Bulacan. 

Kasama sa bilang sa ito at 6,400 na puno na kinabibilangan ng 3,200 narra at guyabano na itinanim ng mga kawani ng SMC’s Bulacan Bulk Water Supply sa 14 ektarya sa Angat Dam Watershed simula 2019. Ang proyektong ito ay sa pakikipagtulungan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). 

Layon ng annual Million Tree Planting Challenge ng MWSS partners sa matamnan ang 126 hectares ng Angat Dam Watershed sa loob ng tatlong taon. 

Noong nakaraang taon naman ay umabot na 8,000 na bakawan ang naitanim ng kumpanya sa Bulakan Mangrove Ecopark na katulong ang lokal na pamahalaan ng Bulakan. Mayroon rin 13,000 na bakawan na naitanim sa Hagonoy at Obando. 

Itatayo rin ng SMC ang 80 ektarya na San Miguel-Paombong Mangrove Plantation and Sanctuary project sa Barangay Masukol sa Paombong, na maaring tamnan ang 200,000 na bakawan. 

“We are taking a holistic approach in our environmental programs and this both entails the reforestation and establishment of mangrove and upland areas. By rehabilitating these upland areas, we can help mitigate soil erosion that contributes to heavy sedimentation or siltation of tributaries which, together with solid waste pollution, result in flooding. At the same time, nurturing mangrove areas will protect coastal areas from storm surges and flooding,” wika ni Ang. 

Katulong ng SMC ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa naturang mga proyekto. 

Sa kabuuan ay ay umabot na 3,802,898 ang puno at bakawan ang naitanim. Kasama dito ang bilang ng  SMC Global Power’s Project 747 na umaabot na sa 3,747,898 sa 1,110 ektarya sa tulong ng 39 people’s organizations aS Zambales, Davao Occidental, Negros Occidental, Bataan, Pangasinan, Albay, Quezon province, aT Bulacan. 

Sa tulong ng community organizations na ito at may survival rate na 89% ang mga upland trees at 91% para sa mangrove saplings. 

Kasama sa mga naitanim na puno ay Narra, Molave, White Lauan, Palosapis Agoho, Batino, Igang, and Malabayabas, at bakawan tulad ng Bakawan Babae, Bakawan Lalaki, Bungalon, at Api-Api. 

Sa ilalim ng Trees Brew Life Program ay nakapagtanim ang San Miguel Brewery ng 22,600 na mangroves sa Mandaue, Cebu, at 1,500 na puno sa Bacolod at Tagoloan cities noong 2021. 

Tinatayang umabot na sa 1 milyong puno ang naitanim ng SMB sa loob ng 10 taon. 

Sa San Miguel-Christian-Gayeta Homes sa Sariaya, Quezon at sa Balayan, Batangas ay nakapagtanim ng mga residente ng 2,500 assorted tree varieties tulad ng langka, guyabano, mulawin, Philippine cherry, at Philippine almond. 

Inaalagaan rin ng mga mga empleyado ng Ginebra San Miguel Inc. ang 40,000 na puno sa 12 ektarya na lupa ay madadagdagan pa ito ng dalawang ektarya sa Bago City, Negros Occidental. 

Nagtulong naman ang mga empleyado ng Petron at community volunteers ng 1,000 narra seedlings sa noong Disyembre sa Sitio Marahan, Barangay Marilog, Davao City kasama ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO). 

Magtatanim ng Petron ng 50,000 seedling sa ilalim ng 10-year biodiversity conservation plan para sa Sarangani Bay Protected Seascape. 

Simula noong taong 2000 at umabot na sa 1 milyong puno ang naitanim ng Petron sa buong bansa ay inaalagaan rin nito ang 30 ektarya ng mangrove reforestation area sa Tacloban City, Leyte, Roxas City, Capiz sa ilalim ng “Puno ng Buhay” program. 

Tatamnan rin ng Petron ng puno at tig-isang ektarya sa Bawing, General Santos City at Tagoloan, Misamis Oriental. Aabot sa 2,500 na mangrove propagules ang itatanim sa Bawing, habang bamboo ang itatanim sa Tagoloan.