December 24, 2024

ULUPONG SA OBRA NI QUEEN ELIZABETH I


Alam ba ninyo ang The Reptilian Agenda? Isa na nga sa pinaghihinalaang kasapi rito ay ang Royal Family sapol pa noong Victorian Era o ika-16 siglo.

May isang misteryo, kung saan ay patunay umano na ang reynang si Queen Elizabeth I ay miyembro ng sinabing agenda at nagtataglay din ng Reptilian Bloodline.

Isang ulupong nga sa isang painting nito ang nadiskubre na kung saan ay hawak-hawak pa ng naturang reyna noon ng Inglatera. Iyon umano ang nakita sa orihinal na pinta ng Tudor Monarch’s. Subalit, nang matuklasan ito ng mga kinauukulan, binago nila ang nakalahad na ahas at tinatapakan ng ibang pinta. Kung kaya, ang hawak na ahas ng reyna ay pinapalitan sa isang pintor ng punpon ng mga rosas.

Subalit, sa paglipas pa ng mga panahon, ang tinapakang pintang ahas ay lumalabas pa rin at lumilitaw minsan. Ang kumukupas nang “bunch of roses” na ipinatapal sa orihinal na pintang ahas ay di mapigilang mahayag na. Anupa’t ang ulupong na lumitaw noon sa obra ay unti-unti nang lumilitaw. Ang naturang obra ay ipininta ng hindi pamosong pintor noong taong 1580’s o kaya’y noong taong 1590’s.

Ang imahe ay hindi na inilagak at naka-display sa London gallery sapol pa noong taong 1921. Ngunit, naging bahagi ang obra sa isang exhibition na may pamagat na Concealed and Revealed: “The Changing Faces of Elizabeth I” noong ika- 13 ng Marso hanggang ika-26 ng Setyembre taong 1921.

Ang ahas ay sinasabing sumasagisag umano sa karunungan o katalinuhan, pagka-maingat, at makatarungang paghatol. Ngunit, ang mas pinapaborang pagka-masagisag nito ay patungkol kay Satanas at sa mga kasalanan.

Inihayag ng art gallery naang pagpapatanggal sa nakapintang ahas ay dahil umano sa masamang simbolo nito.

Anila, ang ahas ay nakapinta ng kulay itim ngunit may halong greenish blue ang kaliskis nito. Ipinagtataka nila kung papaano naipinta ang ahas gayung wala naman sa orihinal na plano ng pintor na ipinta ito. Ni hindi umano nito intensiyon na ipinta ang naturang reyna ng Inglatera. Ngunit, sa lumabas na X-ray photography, lumalabas na si Queen Elizabeth I nga ang nasa obra dahil sa gayak ng isang babae na parang reyna.

Batay pa sa masusing pagsusuri, ang naturang obra ng orihinal na pintor tungkol sa hindi kilalang babae ay hindi talaga natapos. Ipinagpatuloy lamang ito ng ibang pintor at pinalabas ang obra ng babae na siya ngang si Queen Elizabeth I.

Ito rin umano ang nalagay ng ahas sa obra kung saan ay hawak-hawak ng reyna. Ang isang malaking palaisipan dito, sino ang nagpinta sa kulay itim na ahas? Malamang na isa nga ito sa sinasabing Reptilian Agenda