NAPIGILAN at naharang ng Bureau of Customs – Port of Cebu ang paglabas ng 60 malalaking pakete ng ukay-ukay na damit.
Ayon sa BOC, itinago ang mga ukay-ukay sa dulong bahagi ng container van at tinakpan ng mga gamit pang-bahay at mga personal na gamit.
Nabatid na ang mga kargamento ay para sa isang residente sa lalawigan ng Masbate.
Isinailalim sa beripikasyon ang mga kargamento matapos maging kadududa ang mga lumabas na imahe sa x-ray.
Agad naman nagpalabas ng warrant of seizure and detention si District Collector Charlito Mendoza dahil sa posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA