
Inaresto ng otoridad si UFC star Jon Jones sa Las Vegas dahil sa ginawa nitong mga kalokohan. Kinasuhan ito dalawang counts kabilang ang misdemenour battery dometic violence.
Ayon sa otoridad, ang 34-anyos na si Jones ay nasa resort malapit sa Las Vegas Boulevard at Flamingo Road. Nasa naturang siyudad siya para sa induction para sa kanyang laban noon kay Alexander Gustafsson noong 2013 sa UFC Hall of Fame.
Pinamulta rin siya ng $ 8,000 total bond at humarap na sa korte. Ang ikalawang charge sa kanya ay ang injuring or tampering with a vehicle. Naungkat din ang ilang kaso niya noon kabilang ag 2 failed drug test noong 2012.
Gayundin ang pagmamaneho ng lasing noong 2012, hit and run noong 2015 at ang pananakit noong July 2019.
More Stories
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS