
May special message si Ukraninian UFC fighter Maryna Moroz kay Russian president Vladimir Putin. Ito ay kaugnay sa ginawa aniyang Russian invasion sa Ukraine.
Nagtungayaw o minura nito si Putin na ibinulalas niya sa TMZ Sports. Aniya, mahal niya ang kanyang bayan. Huwag daw galawin o pinsalain ito.
“F— you, b—-! I love my country. Don’t touch Ukraine!” aniya. Nakatakdang lumaban si Moroz kay Mariya Agapova ng Kazakhstan ngayong linggo.
Gayunman, inaalala niya ang kanyang homeland. Nag-aalala rin siya sa kanyang pamilya; na nakaapekto sa kanyang preparasyon sa laban. Aniya, dahil sa pag-aalala sa girian, nagawa na ng kanyang tatay na gumawa ng granada sa kanilang bahay.
Si Moroz ay isinilang sa Vilnohirsk ay nagwikang suportado rin ang kanilang presidente.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT