May posibilidad na mangyari ang dream fight sa pagitan nina WWE star Brock Lesnar at UFC champ Jon Jones. Ito’y nang maging free agent si Lesnar sa WWE.
Ito’y matapos magparamdam si Jones na nais niyang labanan ang wrestler. Gayundin si Stipe Miocic.
Kaugnay dito, interesado si UFC boss Dana White na paglabanin sina Lesnar at Jones. Lalo na’t aakyat sa heavyweight division si Jones.
Gayunman, maaaring mag-sign muli ng deal ang 43-anyos na grappler na tinaguriang ’The Beast’ sa WWE.
Ayon naman kay WWE legend Kurt Angle, kung sakaling sasalang uli sa WWE si Brock, papayagan itong lumaban sa labas.
“I think the one fight he wants, not sure if it’s ever going to happen, he wants to fight against Jones,” ani Angle sa ESPN.
Pwede aniyang lumaban si Lesnar sa UFC at labanan ang 33-anyos na si Jones. Nagrerited noong 2011 si Brock sa UFC.
Ngunit, bumalik pagkalipas ng 4 na taon at sinagupa si Mark Hunt sa UFC 200. Hinamon din nito si Daniel Cormier para sa heavyweight title belt. Subalit, hindi natuloy nang muli itong bumalik sa WWE.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!