Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na mas marami nang skilled at job-ready na mga estudyante ang malilikha matapos lagdaan ng Universidad de Manila (UdM) at Guangzhou Electromechanical Technician College (GETC) ang ‘Agreement of Sisterhood Universities Relationship Memorandum of Understanding (MOU).’
Sa ilalim ng MOU, ang parehong UdM at GETC ay nagsasaad na ‘stand ready to jointly explore the possibility of cooperation of jointly-running schools to deliver more professional and skilled talents for Guangzhou and Manila’.
Sinabi ni Lacuna na kahit na anong makakatulong sa mga mag-aaral ng city-run universities ng Maynila ay most welcome.
Ang Manila delegation na pinangunahan nina Manila City Administrator Bernie Ang at UdM President Ma. Felma Carlos-Tria na lumagda sa MOU at kasama rin ang GETC Dean na si Wu Hongdong. Ang paglagda ay ginanap mismo sa GETC at sinaksihan ng mga opisyal ng Manila at Guangzhou, na kinabibilangan nina Guangzhou Consul-General Marshall Louis M. Alferez at Vice Consul April Mejia, Manila Chinatown Development Council Executive Director Willord Chua, Councilor Numero Lim, UdM’s Director for Quality Assurance, Accreditation and External Linkages Rejan Tadeo and Vice President for Comptrollership Jeffrey Litan, Secretary of the Party Committee of Guangzhou GETC Wang Zuogen and Hongzhe Tu, deputy director-general of Foreign Affairs Office of Guangzhou China at iba pa.
Si Ang, na siyang nagtrabaho ng MOU upang maisakatuparan sa lalong madaling panahon, ay nagsabi na ang kasunduan ay kinikilala ang friendly exchanges and cooperation sa larangan sa pagitan ng UdM at GETC ay magkakaroon ng mahalaga at resulta sa pagtataguyod ng mutual understanding sa pagitan ng dalawang pamantasan.
Naniniwala ang UdM at GETC na ang edukasyon ay hindi dapat limitado sa kultibasyon ng mga mag-aaral para matamo ang excellent academic results, dapat kilalanin din na ang misyon ng pamantasan at kolehiyo ay makalikha ng mas maraming professional at technical talents sa lipunan.
Dahil dito ay sinabi ni Ang na ang dalawang pamantasan ay naglalayong makapagtatag sisterhood relationship sa pamamagitan ng paglagda sa MOU, na ang layunin ay makapagbigay ng opurtunidad, palitan at kooperasyon sa pagitan nila, na ibinase sa equality reciprocity at mutual benefit.
Idinagdag pa nito na ang parehong partido ay handa at aktibong magtataguyod ng pagpapalitan at kooperasyon sa iba’t-ibang lebel at iba’t-ibang uri; magsagawa ng ekstensibong pagpapalitan sa pagsasapraktika at academic research sa pagsasanay ng technical skills personnel, faculty exchanges and visits, teaching management, skills competition, talent evaluation at iba pang aspeto ng mechanical industry.
“Both parties also stand ready to provide and exchange educational information with each other; build exchange and mutual learning platforms for cooperation in areas of efficient management of skill training and industrial productive services; jointly develop training courses suitable for social development for industry practitioners and jointly improve the ability of practitioners to adapt to new technologies and mastercutting-edge technologies, “dagdag ni Ang.
Sinabi pa ni Ang na noong iniakda niya ang City Ordinance 7885 na lumikha ng UdM noong siya pa ay isang City Councilor, ang tunay na layunin ng pamantasan noon ay maging isang technical-vocational school na lilikha ng pinakamahusay sa larangan, ang konseptong ito ay mas nauna pa sa TESDA.
Sa kongklusyon ng signing ceremony, na pinamahalaan ng college vice president na si Zhan Yiquan, ang dalawang partido ay nagpalitan ng mementos at nagpakuha ng larawan para sa posteridad. (ARSENIO TAN)
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag