
NAGLAAN ang gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) ng 35 milyong dirham o halos P460-M upang matulungan ang mga naapektuhan ng Bagyong Rolly sa Pilipinas.
Ito ay bilang tugon sa utos ni His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, ang Crown Prince ng Abu Dhabi at Deputy Supreme Commander ng UAE Armed Forces.
Ang nasabing humanitarian aid ay ibibigay ni Sheikh Hamdan bin Zayed Al Nahyan, Ruler’s Representative sa Al Dhafra Region na siya ring Tagapangulo ng Emirates Red Crescent (ERC).
Kabilang umano sa ipadadala ng UAE ay ang malaking bilang ng ‘shelter materials’ bilang bahagi ng ‘phase one’ ng serye ng aid program ng ERC at UAE government.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon