Dahil sa wala na sa ere ang ABS-CBN Sports@Action channel, naghahanap ng bagong istasyon ang UAAP bilang bagong broadcast partner.
Napaso ang kontrata ng UAAP sa Dos noong nakaraang Mayo. At noong nagsara ito noong Hulyo, hindi naikasa ang pagpapalawig ng broadcast.
“We commiserate with our long-time partner, but this is ultimately a business decision that the Board will have to make using their best judgment,” saad ni executive director Rebo Saguisag.
Ayon sa source, nakikipagtalastasan ang prestigious collegiate league sa ilang networks. Napaulat na isa na rito ang TV5, na nagpapalakas ng kanilang sports brand.
Katunayan, nakuha nito ang rights sa pagpapalabas ng NBA sa free TV. Interesado aniya ang Singko sa UAAP.
Bukod sa TV5, kasama rin sa napipisil ang GMA 7 at CNN Philippines. Samantala, interesado naman ang PTV4 sa pagpapalabas ng Philippine Volleyball League (PVL).
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!