Nagbaga ang opensa ni UST Tiger Cubs pointguard Lanze Ronquillo upang pangunahan ang pagdurog sa NU Bullpups,85-78 upang tapusin ang unang round ng elimination baon ang panalo at nasa tersera puwesto sa team standing ng kasalukuyang UAAP Season.
Kumamada si spitfire Ronquillo ng 15 puntos , 3 rebounds at 6 assists upang tanghaling game’s best player at akayin ang team sa 4-3 win-loss record para sa tersera puwesto kasosyo ang FEU juniors(4-3).
Nangunguna sa overall team standing matapos ang round 1 ang Adamson University HS na may malinis na kartadang 7-0 kasunod ang tinalo ng Tiger Cubs na NU ,5-2.
Tangan ng UE at Ateneo ang parehong 3-4 karta, 2-5 sa DLS-Z at nasa ibaba ang UP sa winless 0-7.
Ang University of Santo Tomas ( UST) ay suportado ng COCOLIFE sa panguguna ni Pres. Atty. Jose Martin Loon katuwang si SVP J.R.,VP Rowena Asnan at EVP Atty.Elmore Omelas. Ang hostilidad sa UAAP Juniors ay tigil muna ngayong holiday season.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA