MAS magiging matatag at mabangis ang National University men’s baseball team sa kanilang paglahok sa mas angat na lebel ng kumpetisyon sa Liga Baseball Philippines (LBP) na sasambulat ngayong araw sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Ang NU Bulldogs sa timon ni head coach Romar Landicho ang nagkampeon sa katatapos na season ng UAAP baseball event ay binubuo ng mga kabataang manlalaro na nasa peak ang kanilang lakas at talas ay kakaharapin ang isa sa powerhouse squad na IPPC Hawks na binubuo ng mga beteranong sluggers at mga dating miyembro ng national team na may mga experience na sa mga international tournaments.
Ang IPPC (Itakura Parts Philippines Corporation) ay pag-aari ng Japanese national Philippine based at Ph baseball consultant na si Kunifumi Itakurana nagkampeon na rin sa mga torneong lokal na nalahukan.
Si head coach Landicho na krusyal na ipinalit ng Bulldogs management ay nabigyan agad ng kampeonato sa UAAP ang NU sa unang season pa lang ng kanyang timon sa torneo.
“Maraming Salamat sa aking mga katuwang sa tagumpay na sina deputy coaches Robin Go, Junemer Diarao, Mon Espino sa management at sa NU community. It’s destiny indeed, “wika ni Landicho na aniya pa ay handa na sila sa giyera ng LBP.
Aniya pa ay ramdam lalo niya ang determinasyon ng kanyang wards na sina Amiel de Guzman, Nigel Paule, Herald Tenorio, Jherrick Timban, Kent Altarejos, Kiel Olazo, Antipolo, Jonven ang Jude .z Maulit, Gio Corpido, Carolino, Calanday at Camposanto.
“Laban pa rin.May malakas na team like IPPC, KBA , Thunderz , etc. which are composed of former national team members but I just have to trust the boys .Alam kong kaya nilang sumabay, ” ani pa Landicho.
Ang LBP at itinatag nina Chairman Wopsy Zamora , Pres. Pepe Munoz , Exec.Director Boy Tingzon at board. BASEBALL MANIA NA SA MANILA!
More Stories
DMW SA MGA PINOY: MAG-INGAT SA ONLINE JOB OFFERS
Navotas Funbikers
Healthcare Waste Project isinusulong ang Zero Waste Practices sa mga ospital at pasilidad