PREPARADO na ang National University baseball team upang sumabak at magtagumpay sa susunod na season ng UAAP baseball competitions.
Sa pagbabalik ng aktwal na bakbakan sa diamond face-to-face, sinabi ni NU Bulldogs team manager Wopsy Zamora na ramdam nito ang maugong na mensahe ng kanyang koponan upang muling dominahin ang ligang dapat na nilang pinagharian mula pa noong pre-pandemic.
“Determinado at motivated ang mga bata kaya todo ang ating suporta sa kanila mula practice hanggang actual competitions upang tuparin ang aming “mission possible’ sa larangan ng collegiate baseball,” wika ni Wopsy sa kasagsagan ng traditional Christmas Party kamakailan ng kanyang kumpanyang “Amigo”,
Sinabi naman ni coach delos Reyes na mas malakas ang puwersa ngayon ng NU Bulldogs lalo pa’t 8t% sa kanyang men’s team ay galing sa kanilang juniors squad.
“Anumang oras ay handa na sa UAAP wars ang NU Bulldogs natin.Motivated kami lahat sa papRating na UAAP baseball season,” saad ni delos Reyes.
Paparada sa susunod na edisyon ng UAAP sina promising pitchers Renante Aranzaso,John Kyle Nico Calanday,best pitcher Mar Joseph Carolino,rookie pitcher Armiel de Guzman,slugger/hitter na si Kyle John Peter Ilagan,hitter na si Reancus Liguwayan
(UAAP Juniors), team captain Nigel Paula, Julius Cesar Soriano, Herald Tenorio, Cyril Broz Antipolo, Kent Joe Alejeros at Fil-Jap stugger Keishi Okamoto.
“Our Bulldogs can play multi-position Malakas daw kami dahil nag-champion ang IPPC baseball team na halos binubuo ng NU bilang bahagi ng aming training sa aming nilahukang One United Baseball championship,” saad pa ng champion coach at dating national player na si delos Reyes.
Kaugnay nito ay buong puso siyang nagpapa-salamat sa NU management partikular kay manager Wopsy Zamora, kay president RJ Ermita, top brass Nilo Ocampo at Chairman Hans Sy.
Upang matupad ang mission possible ng Bulldogs ngayong ‘year of the rabbit 2023’ay ang malagpasan ang puwersa ng powerhouse Dela Salle Archers.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI