Angat na sa 3-1 sa best-of 7 series ng Eastern Conference finals ang Miami Heat. Binarbekyu ng Heat ang Boston Celtics, 112-109.
Bumida sa panalo ng Heat si Tyler Herro na gumawa ng 37 points, 6 boards at 3 assists. Umasiste naman si Jimmy Butler na bumuslo ng 24 points, 9 boards at 3 assists.
Pukpukan ang dalawang teams sa kabuuan ng laro. Palitan ng lamang at habulan. Lumamang ng 12 ang Heat sa second quarter. Iyon ang biggest lead nila sa nasabing series.
Ngunit, nakaungos ang Miami dahil sa impressive performance ng 21 year old rookie na si Herro.
Pinilit png humabol ng Boston at naibaba ng lamang sa last two minutes. Ngunit, hindi pumayag ang Miami na maagaw sa kanila ang panalo.
Sa panig naman ng Boston, gumawa si Jayson Tatum ng 28 points, 9 boards at 3 assists. Umalalay naman si Jaylen Brown na nagtala ng 21 points, 9 boards at 3 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT