
Muling naghatid ng tulong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment katuwang sina Senator Leila de Lima at Senator Joel Villanueva para sa mga residente ng Caloocan City sa pamamagitan ng programang Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced workers o TUPAD.
Sumalang sa oryentasyon at lumagda sa kontrata ang mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng nasabing siyudad na makikinabang sa naturang proyekto.
Pinasalamatan naman ni Congressman Egay Erice si Senator De Lima dahil sa kabila ng pagkakapiit ay hindi ito nakalimot na tumulong sa kabila ng pandemya sa lungsod ng Caloocan.

Nagpapasalamat din si Councilor PJ Malonzo kay Senator Villanueva sa naturang proyektong na malaking tulong sa ilan nating kababayan sa Caloocan.
More Stories
195 PAMILYANG MANILEÑO, NABIYAYAAN NG LUPA SA ILALIM NG PROGRAMA NI MAYOR HONEY LACUNA
Imee Marcos: “Collateral Damage” dahil sa apelyido (Matapos ‘di makapasok sa Magic 12)
‘DQ’ VS VENDOR PARTYLIST