Isang tupa sa bansang Sudan ang sinintensiyahang mabilanggo ng 3 taon. Ito ay dahil sa pagkakapatay nito sa isang 45-anyos na babae. Ang babaeng si Adhieu Chaping ay mabangis na inatake at sinuwag-suwag ng wild ram.
Lubhang napinsala ang tadyang ng babae na ikinamatay nito.Nangyari ang insidente sa Rumbak East sa Akuel Yol. Sa ngayon, ang nasabing hayop ay nasa kostudiya ng pulisya sa Maleng Agok Payam.
Wala namang pananagutan sa nangyari ang may-ari ng tupa. Bilang pampalubag loob sa naulila ng biktima, magbibigay ang owner ng 5 baka bilang compensation. Gugugulin naman ng tupa ang 3 taong pagkabilanggo sa isang military camp.
Batas sa bansang Sudan na pwedeng makulong ang hayop na pumatay ng tao.
More Stories
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur
560th Air Base Group’s Civil-Military Operations Transform Lives Across Cebu