December 24, 2024

Tunay na pagpapala ang pagsapit ng ika-10 taong anibersayo ng Agila ng Bayan

Isang mapagpalang araw po mga Cabalen. Ipinagdiriwang po ng Agila ng Bayan ang ika-10 taon nitong anibersaryo.

May 10 taon na po ang nakakaraan nang simulan natin ang Agila ng Bayan, sa layuning makapag-ambag sa ating mga kababayan ng mga balitang umiikot at pinag uusapan sa buong kapuluan.

Ang 10 taong pamamayagpag ng Agila ng Bayan sa larangan ng malayang pamamahayag ay dumaan din po sa kaunting hirap. Pinipilit na ibaba at pabagsakin subalit nanatili itong pumalaot sa himapapawid ng walang humpay at walang sala.

Ipinagmamalaki po ng inyong lingkod na ipaalam sa lahat na naging matatag ang pamunuan ng Agila ng Bayan laban sa mga tumutuligsa dito. Naging palaban ito laban sa mga pulitikong tila minamaliit ang ating pahayagan. Sapagkat mula sa minsan sa isang linggong paglalathala , kinaya po natin ang tatlong beses isang linggong pagpapalabas ng ating pahayagan.

Sa pamamagitan ng tapat na at walang kinikilingang pamamahayag, ang Agila ng Bayan ay minahal ng ating mga tagapag tangkilik. Sapagkat sa abot po ng ating makakaya ay nasusunod naman natin ang “Journalism Ethics”.

Patuloy din po ang pagdagsa ng mga paanunsiyo sa Agila ng Bayan. Marami na po ang nagtitiwala sa atin dahil na rin sa pagiging malinis na pahayagan nito at walang bahid ng kalaswaan.

Walang pinapaboran at walang kinikilingan para lamang sa katotohanan. Sa loob po ng 10 taon, ang Agila ng Bayan ay naging sandata ng mga kababayan nating inaapi. Sila ang nasa laylayan ng lipunan na walang malapitan sa oras ng pangangailangan ng katarungan.

Ang Agila ng Bayan din po ang tinatakbuhan ng ating mga kababayan na hindi makasabay sa mga asuntong tangan ng mga kilalang tao at may kakayanang magbayad ng abogado. 

Atin din pong iginugol sa public service at pagtatanggol sa ating mga kababayang inaapi.Naging instrumento din po tayo ng ating mga kababayan para sa mga ahensiya ng pamahalaan na patuloy silang inaapi dahil walang kakayanang magsustine ng abogado at dahil ang karaniwang Pilipino ay nangangapa sa isinasaad ng batas.


Sa kasaukuyan po ang Agila ng Bayan ay kinikila sa buong Pilipinas, kasapi sa mga prestihiyosong organisasyon at samahan  gaya ng PAPI , kinikila din ito sa mga korte bilang lehitimong pahayagan na nagpapalabas ng mga lathalain mula sa korte.Nagpapasalamat din po ang Agila ng Bayan sa mga kaibigang patuloy na sumusuporta sa atin at walang sawang nagmamahal sa ating pahayagan.


Higit sa lahat, ipinagpapasalamat natin sa Diyos ang lahat ng ito. Tunay na Kanyang pagpapala ang pagsapit ng pahayagan sa ika-10 taong anibersaryo.

Sa lahat po sa inyo maraming salamat po sa patuloy ninyong pagtangkilik sa Agila ng Bayan. Umasa po kayo na patuloy kaming magiging instrumento para sa inyong serbisyo publiko upang patuloy na makatulong sa mamamayang Pilipino.