Mahalaga ang pera para sa pangangampanya, pero kahit gaano pa karami ang iyong sunugin na pera hindi nangangahulugan na panalo ka na.
May mga kandidato na gumastos ng milyong-milyong piso sa kanilang kampanya ngunit hindi sila nanalo sa halalan. May mga kandidato rin na gumastos lamang ng kaunting pera, ngunit sila ay nanalo dahil sa kanilang popularidad at plataporma.
Katulad ng bida sa ating kolum na isang nangangarap este kumakandidatong senador. Naniniwala na siya ngayon na hindi sapat ang pera para manalo matapos siyang gumastos ng higit sa kalahating bilyong piso para sa kanyang kandidatura bago pa man magsimula ang opisyal na panahon ng kampanya noong Pebrero 11.
Mantakin n’yo ba naman kasi, sa iba’t ibang nagsulputang mga survey e hindi man lang pumasok ang kanyang pangalan sa “Magic 12” list of candidates. Araykupo!
Sa pag-asang magbago ang kanyang kapalaran, pinalitan ng bida nating tumatakbong senador ang kanyang original campaign operators ng bagong handlers, na ang ideya ay pabanguhin ang kanyang imahe sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang bagong pangalan o moniker.
Ang masaklap, wala naman nagbago, nadagdagan lang ang gastos ng ating bida sa production at pag-ere ng mga ads para lang bumango ang imahe niya sa mga botante. Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Hehehe…
Ngayon ang tanong natin, maisalba pa kaya ng bida sa ating kolum ang kanyang sarili para sa darating na halalan o patuloy lamang siyang magsusunog ng pera?
Sa bagay pera niya naman iyon, ba’t nga ba tayo makikialam pa? Hehehe… Kanya-kanyang trip lang ‘yan.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD