November 2, 2024

TULONG PINANSIYAL SA MGA MIYEMBRO NG GSIS NA NAAPEKTUHAN NG BAGYONG FLORITA, HANDA NA

MULING pagkakalooban ng tulong pinansiyal ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga kasapi nito at mga pensioner na tinamaan ng bagyong Florita.

Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso, muling bubuksan ang emergency loan program sa mga miyembro at pensiyonado na naninirahan sa mga binagyong  lugar

Sinabi ni Veloso na ang mga kasapi na mayroon pang emergency loan balance ay maaari pa ring makahiram ng hanggangP40,000, upang mabayaran ang  balanse sa emergency loan balance at makatatanggap pa rin ng   maximum net amount na P20,000.

Ang mga kasapi na wala namang loan at mga pensioner ay maaaring maka-avail ng P20,000 loan.

Ang mga aktibong miyembro na nakatira o nagtratrabaho sa binagyong lugar, nakatatanda at may kapansanan ay maaari pa ring mag-apply ng loan sa sandaling maideklara ang lugar sa ilalim ng  state of calamity.