Nananatili pa rin ang Pililla bilang tanging bayan sa lalawigan ng Rizal na wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng corona virus disease 2019 (COVID-19).
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Dan V. Masinsin gayundin ang pang-unawa at suporta na ibinibigay ng taong bayan ay napanatili ng bayan ng Pililla na ligtas mula sa banta ng COVID-19.
Batid ng lahat na ang probinsya ng Rizal ang isa sa nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong Rehiyon ng CALABARZON kaya naman labis ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Pililla sa lahat ng mga residenteng patuloy na sumusuporta at nag-iingat upang mapanatili ang bayan ng Pililla, Rizal na COVID-Free.
Bagaman may mga pangilan-ngilan na lumabag sa mga ipinapatupad na panuntunan, inihayag naman Mayor Masinsin na halos lahat ay sumasang-ayon at nauunawaan na ang mga ginagawang hakbang at pag-iingat ay para sa kapakanan ng lahat.
Patuloy naman ang lokal na pamahalaan ng Pililla sa pagbibigay ng paalala sa lahat na huwag magpabaya o makampante kahit pa isinailalim na ang buong lalawigan sa ‘general community quarantine.’
Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Masinsin na kailangan pa rin ang patuloy na pang-unawa at pakikiisa upang maging ligtas ang lahat mula sa nakahahawang sakit.
Hinihikayat din ng naturang mama ang lahat na patuloy na mag-ingat at iwasan ang mga bagay na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng COVID-19.
Walang talagang ibang iniisip itong si yorme basta’t kapakanan ng nasasakupan ang pinag-uusapan.
Kaya para kay Pilillia Mayor Dan V Masinsin, mabuhay ka po!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!