TINATAYANG mahigit P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng umaga.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jessie Zozobradon alyas “Jess”, 32, (watchlisted) ng Brgy. 174 ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-7:20 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Captain Rico St., corner Tulip St., Barangay 174, Camarin.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P37,500 halaga ng droga sa suspek at nang tanggpin nito at marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng umano’y shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,020,000.00; at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 37 pirasong P1,000 boodle money.
Kakasuhan ng pulisya ng paglabag sa Section 5 (Sale), Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE