
SWAK sa kulungan ang isang tulak ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chieg P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Jayson”, 41, ng Talabahan St. Brgy. Baritan.
Ayon kay Col. Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu.
Dakong alas-11:10 ng gabi nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU ang suspek matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa kanto ng Ilang-Ilang at Ilang-Ilang III Sts., Brgy. Baritan.
Nasamsam sa suspek ang nasa 5.1 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang 34,680, at buy bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya ng Lungsod ng Malabon.
More Stories
Most Wanted sa carnapping, kusang sumuko sa Caloocan Police
Radio DJ Nicole Hyala, ibinunyag na may thyroid cancer: “Mali ka ng kinalaban!”
Johann Chua wagi sa all-Filipino finals ng 2025 9-Ball 99 David Loman Cup