Sinisiyasat ng mga tauhan ng NPD-SOCO ang mga narekober na ebidensya sa crime scene kabilang ang isang cal. 38 revolver, 5 plastic sachets ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia mula sa suspek na si Arnel Rabot na napatay matapos makipagbarilan sa pulisya. RIC ROLDAN
Patay ang isang hinihinalang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kanya sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang namatay na suspek si Arnel Rabot, 23 ng No. 21 Interior, Brgy. Potrero.
Ayon kay Col. Villanueva, dakong 3 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joseph Alcaraz ng buy bust operation kontra sa suspek sa kanyang bahay.
Nagawang makapagtransaksyon ni PSSg Sembrero na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek subalit, nakatunog umano si Rabot na pulis ang kanyang katransaksyon.
Kaagad bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang poseur-buyer na naging dahilan upang mapilitang gumanti ng putok ang back up na operatiba na si PCpl Cabrera III na nagresulta ng kamatayan ni Rabot.
Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala, isang missed fire, dalawang fired cartridges, limang plastic sachets ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON